Kung Paano Pumayat Ako sa Loob ng Anim na Buwan….at Hindi na Ako Bumalik sa Dati

Ganito ako dati
Mas malaki ako kaysa sa calabau na nasa harap ng Luneta

Malaki ang ipinayat ko

Mula noong ako ay 20 taong gulang hanggang noong 2015 ang aking timbang ay mahigit 90 kg, halos 100. Mas malaki ako kaysa sa calabau na nasa harap ng Luneta!

Sinubukan kong pumayat nang napakaraming beses, sa loob ng 30 taon, pero walang resulta.

At hindi ko alam kung bakit dahil napaka-aktibo ako sa pisikal, sa diwa na mahilig ako sa hiking at nilalakad ko nang mahabang mga distansya nang medyo regular.

Pero dati marami akong masamang ugali na naging sanhi na walang saysay ang lakad nang lakad:

  • Mahilig ako sa beer
  • Mahilig ako sa pasta at pizza
  • Sobrang mahilig ako sa pastry

Ang aking almusal noon ay kape + pastry (Italian style)

Ang aking tanghalian ay dalawa o tatlong pinggan ng pasta + second dish + side dish + dessert + wine, beer, liquor….at baka ice cream pa…

At ang aking hapunan ay, more or less, gaya ng tanghalian.

Kaya medyo maliwanag kung bakit, sa kabila ng maraming pisikal na aktibidad, wala akong pag-asa na pumayat.

Ang aking pagbabago

Subalit noong taon 2016 nagkaroon ng isang malaking pagbabago at, sa loob ng wala pa 6 na buwan, ang aking timbang ay naging 65-68 kg at mula noon hindi na tumaas, kahit minsan.

Paano nangyari iyon?

Tamang motibasyon

Ang natuklasan ko ay na, bagaman alam ko na ang pagiging overweight ay mapanganib, kulang ako sa motibasyon para mag-reduce sa seryosong paraan.

Hindi ako sobrang interesado sa pagiging mas sexy o gwapo dahil, tutal, may asawa na ako at, bukod dito, iba ang mga prioridad ko sa buhay. Mas hinahanap ko ang panloob na kagandahan kaysa sa panlabas na kagwapoan o kapogian.

Pero, sa totoo, ang pagkakaroon ng tamang ugali, pagdating sa pagkain, at sa kalusugan in general, ay wala masyadong kinalaman sa ating punto de vista hinggil sa kagandahan.

Ang nagbigay sa akin ng motibasyon na baguhin ang aking mga ugali ay dalawang mas malalim na mga dahilan:

  • Naunawaan ko na, bilang ulo ng pamilya, may pananagutan ako na magkaroon ng sapat na enerhya, pagkatapos ng trabaho, para magkaroon ng makabuluhang relasyon sa aking pamilya, dahil ang naging resulta ng aking masamang ugali pagdating sa pagkain ay na lagi antok na antok ako pagbalik mula sa trabaho at sa mga dulo ng sanlinggo, kaya kulang ako sa lakas para magkaroon ng makabuluhang emosyonal na koneksyon sa pamilya.
  • Ang kawalang pagpipigil sa sarili sa isang larangan ng buhay ay lumilitaw din sa ibang mga aspekto ng buhay. At naunawaan ko na ang aking tunay na problema ay hindi ang pagkain kundi ang kawalang pagpipigil sa sarili, na naging problema ko hindi lang may kaugnayan sa pagkain, kundi sa ibang aspekto ng buhay din, gaya ng budgeting ng pera at ang komunikasyon sa asawa ko (medyo padalus-dalos ako at iyon ay resulta ng kawalang pagpipigil sa sarili, kawalang kakayahan na pigilan ang aking mga emosyon)

Kaya naunawaan ko na kung hindi ako gumawa ng paraan para linangin ang pagpipigil sa sarili marami sana ang magiging problema:

  • Dahil tumatanda ako lalala at lalala ang aking low energy
  • At, bukod dito, dahil ang aking kawalang pagpipigil sa sarili na may kaugnayan sa pagkain ay konektado din sa kawalang pagpipigil sa sarili sa komunikasyon, sa budgeting at iba pang delikadong mga aspekto ng buhay, dumating talaga ang oras para gawin ang malaking pagbabago.

Kailangan ang malaki at ambisyosong tunguhin

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi masyadong naging matagumpay ang aking mga pagsisikap na mag-reduce ay dahil sinisikap kong abutin ang maliliit na mga tunguhin, gaya ng pagbabawas ng 3, 4 o 5 kg. Hindi gumagana iyon.

Kailangan magkaroon ng malaking tunguhin.

Isa sa mga bagay na nakatulong sa akin na ilagay sa harap ko ang isang malaki at ambisyosong tunguhin ay ang halimbawa ng tiyo ko, na nakatira sa bayan ng mga magulang ko:

Siya ay 82 taon gulang at nagtratrabaho pa siya bilang tubero at pagkatapos ng trabaho umuuwi siya sa bahay kung saan may malaking lupa siya at…. nagtratrabaho pa siya sa lupa! At bukod dito nagtayo siya ng isang kubo sa isang beach na pwede lang abutin on foot sa mabatong trail at sa kubong iyon mayroon siyang bangka at pagkatapos ng trabaho bilang tubero at sa lupa, bumababa siya sa dagat at gumagaod siya sa bangka! 82 years old iyon!

Ang 82 year old na uncle ko: tubero at “diskartista” sa iba’t ibang uri ng “odd jobs”
Ang kubo ng uncle ko sa beach

Bukod dito nakita ko ang mga dokumentaryo ni Wim Hof, ang isang matanda na taga Holland na kaya niyang gawin mga bagay na di-kapani paniwala, tulad halimbawa inilulubog niya ang kanyang sarili sa yelo at kaya niyang maligo sa frozen na mga lawa at tumakbo ng mga mahabang marathon sa napakalamig na mga lugar, gaya ng Arctic Circle.

Kaya inisip ko na mayroon akong 2 choice:

  • Maging ang isang may be edad na may iba’t ibang uri ng sakit at pisikal na kahinahan
  • Maging ang isang matanda na mas malakas kaysa sa isang 20-year old na bata, gaya ni Wim Hof o ang uncle ko.

Medyo ambisyosong tunguhin iyon pero ang pagkakaroon ng ganitong tunguhin ang siyang nagbigay sa akin ng malaking “sipa sa puwit” na nagpahintulot sa akin na gumawa ng napakalaking pagbabago sa aking mga ugali pagdating sa kalusugan.

Ano ang tamang diet?

Sa internet ay mayroon sobra maraming “dalubhasa” na nagsasabi ng iba’t ibang mga bagay tungkol sa tamang pagkain.

Honestly wala akong panahon para pag-aralan lahat ng mga teorya at, kung gagawin ko iyon, magiging nakakalito iyon.

Kaya ang ginawa ko ay ganito: naghanap ako ng isang “common denominator” na nasa likod ng lahat ng mga teorya at nagsisimula akong sumunod sa mga payo na karaniwan sa iba’t ibang dalubhasa.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming teorya, may mga bagay kung saan nagkakasundo ang karamihan ng mga eksperto: halimbawa lahat ng mga dalubhasa sa nutrition ay sumasang-ayon na kailangang alisin ang asukal at ang mga refined carbs sa diet, na raw veggies ang dapat maging “bulk” ng diet at na kailangang kainin ang mga healthy proteins (pasture raised eggs, meckerel salmon at iba pa) at iwasan ang mga processed foods, soft drinks at ang iba’t ibang tsitseria.

At iyon ang ginawa ko at ang naging resulta, sa loob ng humigit kumulang 6 na buwan ay kung ano ang nakikita sa ikatlong litrato na nasa itaas


At, syempre naman, patuloy na kumukuha ako ng karagdagang impormasyon tungkol sa ilang posibleng maliliit na pagbabago na maaari kong gawin sa diet, pero sa halip na basta maghintay na magiging perpekto ang aking unawa tungkol sa sakdal na diet, kumikilos ako batay na naiintindihan ko….ang mahalaga ay magkaroon ng matibay na motibasyon at kumilos at, syempre naman, panatilihin bukas ang isip para sa posibleng mga pagbabago sa diet dahil hindi pwede maging dogmatiko at saradong isip tungkol sa isang partikular na approach sa diet.

Pero isang bagay ay tiyak: kung ang “bulk” ng diet ay raw veggies, kung ang isa ay hindi somosobra sa carbs (na dapat na strictly whole grain) at kung iniiwasan ng isa ang mga processed foods at pinapalitan ang mga iyon sa healthy proteins at kung may kasamang regular na exercise papayat at papayat ang isa…awtomatiko iyon!


9 thoughts on “Kung Paano Pumayat Ako sa Loob ng Anim na Buwan….at Hindi na Ako Bumalik sa Dati

  1. Hello sir! Bilib ako sa iyo dahil mas pinili mo pa ang maging maganda ang pag uugali when it comes to food habits kay sa pagpapa pogi… 🙂 nd conrats pala ha sa success ng pagpapapayat mo. Ako stil struggling to lower down my weight. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s