Limang Bagay na Lagi Kailangan sa Kotse

Ako ay gumugugol ng kalahating buhay ko sa kotse dahil medyo malayo ang trabaho ko.

Kaya medyo may alam ako tungkol sa mga bagay na hindi pwede wala sa kotse.

Syempre pa, kapag kotse ang pinag-uusapan, ang unang bagay na kailangan sa kotse ay ang kotsilyo….para kotsilyohin ang mga kaskaserong dryber.

Ang ikalawang bagay na kailangan sa kotse ay ang tubo….para pukpukin ang ulo ng mga kaskaserong dryber.

Ang ikatlong bagay na hindi pwede wala sa kotse ay ang martilyo. Ang martilyo ay mas “multipurpose” kaysa sa tubo at sa kotsilyo: pwede iyong gamitin hindi lamang para pukpukin ang mga dryber sa ulo, kundi rin para itama ang mga yupi sa kotse na resulta ng aksidente (at, syempre naman, para itama ang isa na naging sanhi ng aksidente….)

Ang isang mas “multipurpose” pa na gamit ay ang jack, lalo na ang medyo “heavy duty”: bukod sa pwede iyong gamitin para pukpukin ang ulo ng tao (masakit iyon…), pwede rin iyong gamitin para itaas ang kotse para abutin iba’t ibang mga layunin (oil change, palitan ang flat na gulong at marami pa)

At ang ikalimang gamit na hindi talaga pwede wala sa kotse ay ang “pampakalma ng nerbyos” at “pampalalamig ng init ng ulo”

Masakit ang jack kung ginagamit para pukpukin ang ibang dryber sa ulo…
Pamparelax at pampachillax

Magrelax ka lang, daan daan po….makakarating ka pa rin

Drive safely po…..

How is your driving? Ayusin mo! May tao na may kotsilyo sa kotse….

2 thoughts on “Limang Bagay na Lagi Kailangan sa Kotse

Leave a comment