Kung Papaano Magtakda ng mga Tunguhin

“Gusto ko sana…”, “kung loloobin ng Diyos”…

Maraming tao ay basta umaasa lang na balang araw mangyayari ang gusto sana nilang mangyari…sa awa ng Diyos at kung bahala si Bathala.

Ang taong may mataas na probabilidad na may mangyari ay ang isa na may maayos na tunguhin.

Kung ang isang tunguhin ay hindi maayos at itinatakda sa epektibong paraan ito ay pangarap lang at pwede tayong mangarap hanggang gusto natin pero maliit lang ang posibilidad na may mangyayari.

Ano kaya ang isang mabisang tunguhin?

Ang isang maayos na tunguhin ay, una sa lahat, espesipiko: “gusto ko sanang pumayat…balang araw” ay hindi ang isang espesipikong tunguhin. Mas malaki ang pag-asa na may mangyayari kung ang tungkuhin ay: “ang tunguhin ko ay alisin 20 kg sa loob ng 6 na buwan”…saka may mangyayari…

Bukod dito ang tunguhin ay dapat na nakasulat, walang kwenta kung nasa isip lang iyon, dahil hindi masyadong magiging aktibong nasangkot ang utak natin sa paghahanap ng mga paraan para abutin ito kung nasa utak lang ang goal.

Bukod sa ito ay dapat na nakasulat dapat repasuhin ito araw araw, hindi paminsan minsan lang.

Ang isang tunguhin ay may mas malaking probabalidad na matupad kung ito ay ambisyoso at malaki: “gusto kong alisin 5 kg para maging mas sexy sa susunod na tag-init” ay hindi kasinlaki at kasingepektibo ng “gusto kong magkaroon ng lakas ng isang kabataan kapag 70 taong gulang ako!”.

At, sa bandang huli, ang isang tunguhin ay dapat na hindi salungat sa ating pinaka layunin sa buhay.

Halimbawa kung ang pinakalayunin ng isa sa buhay ay maging ang isang (halimbawa lang) Krystianong pastor hindi yata kasuwato ng layuning iyon ang tunguhin na magkaroon ng 15 mga asawa…at pwedeng gawin marami pang mga halimbawa…

Kaya, para ulitin, ang isang tunguhin ay dapat na:

Espesipiko

Nakasulat

Nirerepaso araw araw

Ambisyoso at malaki

Hindi salungat sa pinakalayunin ng buhay

2 thoughts on “Kung Papaano Magtakda ng mga Tunguhin

Leave a comment