Ano ang Karunungan?

Ayon sa isang English dictionary ang salitang “wisdom”, na isinasalin na “karunungan” sa wikang Tagalog, ay nangangahulugang: “

the quality of having experience, knowledge, and good judgement; the quality of being wise”.

Kaya ang karunungan ay hindi basta lamang “kaalaman”, kundi kaalamang umaakay sa mabuting at matalinong pagpapasya.

Halimbawa maraming mga medikal na doktor ay may alam na ang pagkain ng fast food ay umaakay sa sakit, ngunit may mga doktor na sa working days kumakain lang sila sa mga fast food na nasa loob ng mga hospital, lalo na kung hectic ang kanilang iskedyul.

Ito ay isa lang sa maraming mga halimbawa na nagpapakita na ang basta pagkakaroon ng kaalaman ay hindi umaakay sa matalino at matagumpay na pagpapasya.

Ang isa pang halimbawa ay ang mga titser na kabisado ang kanilang paksa at mahusay sila sa pagtuturo nito pero baka kulang sila sa kakayahang magkaroon ng matagumpay na komunikasyon sa loob ng kanilang pamilya.

Kaya, kung tayo ay ang isang taong nagtataglay ng maraming kaalaman at edukasyon pero nakikita natin na, bukod sa mga tagumpay na inaabot natin sa ating espesipikong larangan, kulang tayo sa resulta sa ibang mga pitak ng buhay, tanungin natin ang sarili: kumusta ang aking matinong pagpapasiya salig sa kaalaman at pagkaunawa, ang aking kakayahang gamitin nang matagumpay ang kaalaman at pagkaunawa upang lutasin ang mga suliranin, iwasan ang mga panganib, abutin ang mga tunguhin, o payuhan ang iba na gawin ang mga iyon….

Leave a comment